B2B Wise

Sunday, November 27, 2016

RULES OF SUCCESS

Base sa SFI Rules of Success

1. Itrato mong Negosyo ang iyong Negosyo!

Pag nag negosyo ka, ang inaasahan mo bang kikita ka na kung gagawin mo lang ito ng ilang oras sa isang linggo? Kung wala kang training? O kung gusto mo lang subukan mag negosyo ng ilang buwan? O hindi mo gagawin ang mga epektibong pamamaraan?

'Di ba't HINDI. Walang pagkakaiba sa AIM Global magiging successful ka kung determinado ka at gagalaw ka. At  dapat committed ka rin dahil nakakatawa yung paniniwalang may perang biglang susulpot sa harap mo.
"Unless commitment is made, there are only promises and hopes; but no plans."-Peter F. Drucker
"You need to make a commitment, and once you make it, then life will give you some answers."-Les Brown
2. Mag isip ng mga paraan pano lalago negosyo mo araw-araw.

Hindi lalago o magiging successful negosyo mo kung pag iisipin mo lang itong lalago. Magiging successful lang yan kung may ginagawa ka araw-araw sa kahit anong paraan. Dahil kung wala eh siguradong talo ka. Niloloko mo lang sarili mo na magiging successful negosyo mo kung di mo binibigyan ng tamang atensyon at aksyon. O gumawa ka ng TO-DO-LIST or mag set ka ng Goal sa araw-araw mong gagawin.

Halimbawa ng mga gagawin mo.

  • Follow up mo mga bago mong prospect.
  • Gumawa ka ng Ad gaya ng sa pag post sa Facebook following good Ethics,
  • Manood ng mga trainings online.
  • Pag aralan ang mga produkto.
  • Pag-aralang mabuti kung pano mo ito mapapalago.
  • Mag invite ng kakilala o di kakilala.
  • E assess mo sarili mo sa ginawa mo sa araw-araw.
  • E review mo GOAL mo.
  • E Review mo mga post mo baka may mali.
"The only difference between success and failure is the ability to take action."-Alexander Graham Bell 
"Success is nothing more than a few simple disciplines, practiced every day, while failure is simply a few errors in judgement, repeated every day. It is the cumulative weight of our disciplines and our judgments that leads us to either fortune or failure." -Jim Rohn
3. Maging Halimbawa.

Maging halimbawa ka sa iyong mga downlines. Dahil nakasalalay sa ginagawa mo kung pano sila gagalaw. At bilang leader nila dapat mong ipakitang handa kang tumulong sa kanila. E motivate mo sila hindi e criticize dahil sa wala pa silang invites. At hindi lahat ng ginagawa mong akala mo ay tama para sa iyo pero nakaka discourage na pala sa mga myembro mo.

Ok lang naman maging gahaman na maabot pangarap natin, wag lang maging gahaman na naipapakita sa downlines mo para kumita ka lang pansarili mo. Naka depende sa ginagawa mo ang gagawin ng mga members under mo.
"A leader can shape his followers best by showing them the way forward rather than telling them about it."

-Unknown

"You don't lead by lip service, you lead by example.”
-Jim Leyland
4. Mag trabaho kang kasama myembro  o downlines mo.

Marami sa mga sumasali sa Network Marketing ang tinitingnan ang dami ng magiging downlines nya hindi yong talagang gumagalaw ar aktibong myembro nya. Pag alam mong may masigasig sa grupo mo pahalagahan mo ito dahil ito ang magpapalaki ng kita mo in a way na di mo ginagawang sumoporta dahil alam mong kikita ka ng malaki.

Para magkaroon ka ng mga downlines na gumagalaw madali lang. Sumama ka o samahan mo sila sa pag tatrabaho nila hindi yung pababayaan mo lang sila. Dahil sa paniniwala at turo sayong di mo na sila sagutin.

Tandaan mong naka depende sa kanila ang success ng business mo kaya nga leveraging hindi ka mag sosolo. Kailangan mong gumalaw kasama sila.
"Eagles don't flock–you have to find them one at a time."

-H. Ross Perot
5. Pag-aralan ang mga Produkto.

Pag-aralan mong maigi ang mga produkto. Dahil ang unang-unang way para kumita sa business mo at Retailing habang di mo pa na shi-share sa iba ang business mo. Lalo na para ma e-share mo ang business sa iba ay kailangan mong mapagbintahan sila ng Package Program.

At mas madali kang makakapag kumbinse ng prospect na napagbintahan mo pag napatunayan nilang maganda ang produktong iyong binibenta.
"It would be easy to convince someone if you knew what you offer" -EAL
6. Ang Success mo ay depende sa Success ng downlines mo.

Dito nagkaka problema bakit maraming mga downlines ang nag fi-fail sa business na ito sa paniniwala ng mga uplines na di nila sagutin mga downlines nila. Kasi nga naman sarili mong business yan ang mahalaga naipasok ka sa kompanya.

Sa leveraging example na gasgas na itong mga fast-food chains. Sinasabi pa nila na bakit nagpaparami ng franchise ang mga may ari? Para daw dumami ang kanyang katawan as explained kung pano ang leveraging na di na ikaw ang gumagalaw kumikita ka parin. TAMA!  pero san ka nakakita ng isang fast-food chain na pinabayaan ng mayari ng kompanya?

Kung ginagamit mong example ang mga franchise business dapat e apply mo rin yan sa business mo. Dahil once na di gumagalaw ang isa, dalawa o kung ang buong level ng ladder mo stop narin ang kita mo. Ito kasi ang mind programming sa kanila na tama nga naman. Na sigurado naman silang hindi matitigil ang isang buong level.

Kung maalala mo ang sample sa trainings. Nakapag invite ka lang ng isa, at itong isa mo ay may isa din, at may isa din yung isang nainvite mong isa, at ang na invite daw nong isa ng isa, ng isa mo ay halimaw na inaalagaan mga myembro nya, at pag nag Gold Ambassador sya kasama kang magiging Gold Ambassador. Ito ngayon ang tanong. Sino ang mas successful ang business? Hindi bat may malaking kita ang nasa pinakababa mo kesa sayo?

Saka hindi maganda ang pagiging gahaman matupad lang pangarap mo kung NANLOLOKO ka ng tao. Tandaan mong may pagkakalagyan ang mga taong nanloloko kumita ka lang.
"You can get everything you want if you help enough others get what they want."-Zig Ziglar


"It is literally true that you can succeed best and quickest by helping others to succeed." -Napoleon Hill

"Outstanding leaders go out of their way to boost the self-esteem of their personnel. If people believe in themselves it is amazing at what they can accomplish."-Sam Walton
7. IKAW ang magpapangyari, dahil walang iba.

Ito ang tandaan natin na walang ibang makakapangyari na tayo'y maging successful kundi tayo rin. Hindi natin pwedeng i-asa sa iba ang success natin maliban nalang kung nagtatrabaho sila sa atin o binabayaran natin sila.

Kaya kailangan mong maging matatag at maalam sa negosyong pinasok mo dahil kung wala kang ibang maasahan na tumulong sayo eh sino pa kundi ang sarili mo. Kung ayaw kang tulungan ng upline mo, gawin mo ang dapat mong gawin para maging successful ka. Malay mo maunahan mo pa sya hindi man sa ranking pero sa kinikita. Kahit magkasama man kayo sa rank na naabot nyo pero sa kinikita naman kayo magkaiba.  Kaya patunayan mong kaya mo rin kahit wala sya.
"I used to say, 'things cost too much.' Then my teacher straightened me out on that by saying, 'The problem isn't that things cost too much. The problems is that you can't afford it.' That's when I finally understood that the problem wasn't it-–the problem was me!" -Jim Rohn


"Don't wait for someone else to make your life terrific. That's your job." -Unknown
8. Ang mga Leader ay nagbasa

Hindi ibig sabihin na kumo leader ka na ay kontento ka na sa mga nalaman mo at kung ano mga tinuro sa iyo ay yun lang din ang ituturo mo sa mga downlines mo.

As a leader dapat hindi tayo makontento sa mga bagay na itinuturo ng mga leaders natin o upline kasi minsan may mga itinuturo sila na hindi tama. Unang unang nakita ko sa upline na itinuturo nya eh mag post lang ng mag post at gawing online store ang Facebook Account mo as a way of advertising ng mga product mo. So parang walang kwenta ang pinagpaguran mong Facebook Page kasi gagawin mo rin naman pala sa Facebook Account mo. 

At ito pa. Napapansin kong ang aim lang nila ay ma HIT ang GOALS nila. Yung parang isa kalang tool para ma achieve nila ang mga incentives. And they really gain it.

So ang dating eh mas nagbabasa pa ang downline kesa sa kanyang leader o upline.

As a leader alam mo rin basahin ang sarili mo kung tama pa ba ang ginagawa mo o kung tama ba ang ginagawa ng mga downlines mo para ma guide mo sila sa tamang pamamaraan para maging successful din sila. Gaya ng nasa #6 lagi mong tatandaan na ang success mo ay depende sa success ng mga downline mo. This is networking not a one man business. At no one should be left behind.
"Learning is the beginning of wealth. Searching and learning is where the miracle process all begins. The great breakthrough in your life comes when you realize it that you can learn anything you need to learn to accomplish any goal that you set for yourself. This means there are no limits on what you can be, have or do."-Albert Einstein 


"If you want to be truly successful invest in yourself to get the knowledge you need to find your unique factor. When you find it and focus on it and persevere your success will blossom."-Sidney Madwe
9. Buksan mo ang iyong mga mata sa iyong kakayanan.

Gaya nga ng sinasabi lagi sa trainings or seminars na dapat lagi tayong positibo. ang isipin natin kung pano lalago ang ating negosyo. Hindi yong nangangamba kang di ka kikita, na scam ka na ata, at kung ano-ano pang isipin. Una-una mag tiwala ka sa sarili at kakayahan mo at sa kakayahan ng mga kasama mo. Sigurado lahat ay aasenso.

Tandaan mong bawat tao ay may sariling kakayahan. Di man mag kaparepareho pero pag tayo ay nasa isang grupo at in-apply natin ang mga idea natin kung pano tayo lalago bilang grupo or part ng grupo. Gaya uli ng nasa #6 ang success ng isa ay success dapat ng lahat hindi lang upline natin kundi tayo ring mga downline.
"Formal education will make you a living. Self-education will make you a fortune."-Jim Rohn

"Unless you change how you are, you will always have what you've got."-Jim Rohn
10. Set goals...and publish them!

Pag may goal ka isulat mo sa papel wag sa note book na isasara mo lang pagkatapos mo maisulat. Dapat sa isang white clear paper mo ilagay at isabit mo malapit sa pinagtatrabahuan mo gaya halimbawa sa wall na malapit sa Office Table mo yung palagi mo syang makikita araw-araw. Parang TO-DO-LIST ng #2 maging guide mo. Para alam mo kung ano ang mga dapat at di pa nagawa sa araw na iyon. 

Iba din ang GOAL mo sa business mo. Yong OVERALL OUTPUT dahil isa ito sa mag Momotivate sayo pag nakikita mo ito araw-araw. Halimbawa ang Travel Incentives kung talagang gusto mong makuha bawat tingin mo sa TO-DO-LIST GOAL mo ma momotivate ka to do more pata makuha ito.
"People with goals succeed because they know where they're going."-Earl Nightingale


"Put your goals in writing. If you can't put it on a sheet of paper, you probably can't do what it takes to achieve the goal."-Unknown

"The achievement of your goal is assured the moment you commit yourself to it."-Mack R. Douglas
11. Magkaroon ng Plano (yong makatotohanan).

Pagkatapos ng TO-DO-LIST mo gumawa ka ng plano kung pano mo ma achieve ito. Dahil ano ang halaga ng TO-DO-LIST mo kung wala kang magagawang resulta. Gaya halimbawa ng pagbibenta, mag iisip ka ng paraan kung pano mo maibibenta ang produkto mo. Maghahanap ka ng lapat na tao para sa iyong produkto. Hindi yung products mo ay mga cosmetics like makeups at at pampaganda tapos sa mga Barako mo binibenta. 
"Failing to plan is planning to fail." -Unknown
"Without goals, and plans to reach them, you are like a ship that has set sail with no destination." -Fitzhugh Dodson
12. Panalo ka na sa Umpisa palang.

Sa pag-umpisa mo palang panalo ka na. Dahil hindi mo papasukin ang pagni-negosyo kung ang mind setting mo eh talo ka na o bankrupt ka na agad. Minsan kasi di alam ng iba ang kanilang mga dahilan bakit nila ginagawa o pinasok ang pagni-negisyo lalo na ang networking kaya sila hindi nagiging successful. 
"You don't have to be great to get started, but you have to get started to be great."-Les Brown

"Everyone who got where he is had to begin where he was."-Richard L. Evans

"Don't waste time calculating your chances of success and failure. Just fix your aim and begin."-Guan Yin Tzu
13. Focus.

Hindi magiging successful sa anumang bagay kung adami mong inaalala at gustong gawin. Mag focus ka sa Goal na hinawa mo at kung pano mo ito magagawa. Sabi nga nila mang huli ka ng dalawang kuneho at ni isa ay di mo mahuhuli.
"Most people have no idea of the giant capacity we can immediately command when we focus all of our resources on mastering a single area of our lives."- Anthony Robbins

"Nothing can add more power to your life than concentrating all your energies on a limited set of targets."- Nido Qubein
14. Purihin o bigyang Credit pagsusumikap ng downlines mo.

Isang paraan para ma motivate mo ang mga downlines mo na gumalaw ay bigyan mo ng credit o magandang response ang ginagawa nila. Ipakita mong may tiwala ka sa kakayahan nilang magawa ang business. Kung magbibigay ka naman ng Criticism dapat ay constructive ito. Hindi yung "KUNG WALA KA PARING DOWNLINE HANGGANG NGAYON BAKA TAMAD KA LANG". Ni hindi mo nga alam ang effort at pagsusumikap ng downline mo na makapag benta ng Membership Package dahil sa MALING turo mo. 
"We increase whatever we praise."- Charles Fillmore

"Build your people and you will build your business. People will want your approval first and your advice second. Do both. A lot...in that order and you will find that they will like you and willingly follow your suggestions."- Jack M. Zufelt
15. Don't quit.

Pag pinasok mo ang isang business dapat wag mong isiping titigil ka. Para ano pa't nag umpisa kang mag negosyo kung titigil ka rin lang. Kung wala kang makuhang suporta sa upline mo mag porsige ka. Patunayan mong kaya mo kahit wala sya, maraming uplines na handang tumulong sayo dahil iisa lang naman ang company nyo bilang tulong narin nila sa kompanya, At isiping kaya mong kumita ng higit sa kinikita ng upline mo.

Kaya nga may TO-DO-LIST ka at isama mo narin sa hulihan ang I WILL NOT QUIT! To remind you na kaya mo at kakayanin mo. At isipin mo kung para kanino at para saan ang negosyong pinasok mo. Sinimulan ko na tatapusin kong maabot mga PANGARAP ko di lang para sa sarili ko.
"Other people and things can stop you temporarily. You're the only one who can do it permanently." -Zig Ziglar 
"Success seems to be connected with action. Successful people keep moving. They make mistakes, but they don't quit." -Conrad Hilton
16. Think BIG.

AIM High and Dream Big. Dahil kung ang gusto mo lang eh kumita lang eh hanggang sa kikita ka lang talaga.
"Fortune favors the bold but abandons the timid."-Latin Proverb "When you think big, your results are big."-Thomas J. Vilord
17. Don't major in minors.

Wag mong ituon isipan  mo sa maliliit na bagay o problema. Think positive lagi na pag negative na mga iniisip mo convert mo ito to positive. Halimbawang isipin ang GOAL mo. 

At lagi mong tatandaan na ang hindi lang magbabago na lahat ng bagay o pagkakataon ay nagbabago. Lalo na sa panahon natin ngayon.

Wag mong hayaang manghina ka sa mga pagbabaging nangyayari. Ang isipin mo kailangan mong harapin mapamaliit o malaki man nito. Dapat maging flexible tayo.
"Let others lead small lives, but not you. Let others argue over small things, but not you. Let others cry over small hurts, but not you. Let others leave their future in someone else's hands, but not you. Not you." - Jim Rohn

"We can no more afford to spend major time on minor things than we can to spend minor time on major things." - Jim Rohn
18. Don't be a negative thinker.

Ang buhay mo ay naka depende sa ugali mo. Kung ang lagi mong iniisip ay mga negatibo ay ganon din ang impact sayo. Dapat gawin mong positibo ang mga bagay-bagay na na i-encounter mo. Halimbawa di maiiwasan na nmkarinig tayo ng negatibo sa kaibigan at kapamilya natin. Wag kang magpapaapekto at gawin mo itong motivation para mapatunayan mo sa kanilang mali nga talaga sila.

Sa pag ni-negosyo dapat e enjoy mo lang. Hayaan mo sila ang mahalaga kumikita ka na masaya ka pa sa iyong resulta.
"If you believe you can, you probably can. If you believe you won't, you most assuredly won't. Belief is the ignition switch that gets you off the launching pad."-Denis Waitley


"Our attitudes control our lives. Attitudes are a secret power working twenty-four hours a day, for good or bad. It is of paramount importance that we know how to harness and control this great force. "-Tom Blandi "

Take charge of your attitude. Don't let someone else choose it for you."-Unknown
19. Some will, some won't. So what?! Someone's waiting! Next!

Ang pag ni-negosyo ay hindi talaga para sa lahat kaya wag kang maging emotional kung na reject ka. Think positive ka lang. Dahil ganon talaga ang pag ni-negosyo. Merong mag iinteres merong wala, kaya hayaan mo lang malay mo ang susunod eh yon na.

Tandaan mo ito lagi pag narereject ka. Na malapit ka na dun sa magsasabi sayong "YES" intresado ako. Wag mo lang pansinin ang mga rejections kundi gawin mo itong experience.

Naalala ko nong nag a-apply ako ng trabaho. Lagi akong rejected sa first interview palang. So ang ginawa ko pinag aralan ko ang mga feedback sa akin bat di ako nakapasa. Ang ginawa ko ay may iniba lang ako sa sagot ko at yun natanggap ako. 

Ang ibig kong iparating sa sample ko na pag na rereject ka gaya ng turo ng mga uplines o leader na hayaan mo lang marami pa naman dyan next uli, pag na reject next uli. Dapat kasi pag na reject ka pag aralan mo rin bakit ka narereject para alam mo kung ano pwede mong gawing strategy sa next prospect mo.
"You can experience rejection for free or you can do it for money. Nobody likes rejection but it is a fact of life in just about every thing you do. In business, deal with it or stay poor." -Jack M. Zufelt

"Defeat is simply a signal to press onward."-Helen Keller
20. Persist until you win.

Sa pag ni-negosyo kailangang porsigido at determinado ka para maging successful. Gawin mo lahat ang makakaya mo na maabot mo ang GOAL mo. Isipin mo ang 1-19 gumalaw ka ayon sa kakayahan mo kung pano mo mapapalago ang negosyo. Wag mong i-asa kay upline ang success mo dahil si upline ang umaasa sa success mo. Kung hindi ka nya tulungan maraming paraan. Search ka lang sa Google sa kung ano dapat mong alamin o malaman sa pag ni-negosyo.

"Failure is the path of least PERSISTENCE."-Unknown 

"Nothing in the world can take the place of persistence. Talent will not; nothing is more common than unsuccessful men with talent. Genius will not; unrewarded genius is almost a proverb. Education alone will not; the world is full of educated derelicts. Persistence and determination alone are omnipotent. The slogan 'press on' has solved and always will solve the problems of the human race."-John Calvin Coolidge

Disclaimer:

Ang source na pinag kunan ng ideang ito ay galing sa Rules of Success ng SFI o Strong Future International Marketing Group.

No comments:

Post a Comment