B2B Wise

Saturday, November 19, 2016

MLM FAIRY TAIL


Alas singko ng hapon, sa malayong opisina sa Ortigas, naimbitahan si Mark sa isang seminar.

Pagkapasok n’ya sa seminar room, nakita n’ya na madaming tao. Pinaupo s’ya sa mono block chair.

Maya-maya ay may isang lalaki na pumasok at tumayo sa harapan ng seminar room. May hawak itong marker, naka-gel ang buhok, may susi ng kotse sa sinturunan at may nakasukbit na sling bag sa kanyang balikat.

S’ya si Speaker.

GOOD MORNING! Sigaw ni Speaker.

GOOOODD MOOOOORNING!!! Sagot ng mga tao sa bandang likuran ng kwarto.

Napakunot ng kilay si Mark. Nawirduhan. "Hapon na good morning pa?" Pabulong na sinabi n’ya sa sarili n'ya habang nakangiti.

Pagkatapos magpakilala nagsimula ng magkwento si Speaker. Madaming alam na kwentong nakaka-entertain si Speaker.

Masigla ang buong seminar room, may background music, may konting tawanan at may nagpapalakpakan pa.

Nagsimulang mag-drawing ng mga bilog-bilog na magkakadugtong sa white board si Speaker.

Nanlaki ang mga mata ni Mark. Halos mabaliw s’ya sa nakita at nadinig nya. Napanga-nga s'ya sa laki ng pwede n’yang kitain sa pagbebenta lang ng kape at napkin.

Mag-imbita lang daw sya ng dalawang kaibigan n’ya na mag-iimbita din ng dalawang kaibigan nila, na mag-iimbita din ng dalawang kaibigan nila... at sa loob ng isang taon ay milyun-milyon na ang kikitain nya.

'O.O' <--- Si Mark

"Waaaahhhhhh!!!! Bakit ngayon ko lang nakita 'to? Ang tagal ko ng nagpapakakuba sa trabaho ko, pero hindi naman ako umaasenso" sabi ni Mark habang nakangiti abot tenga.

Pagtapos ng seminar excited na umuwi si Mark sa bahay nila. Lutang ang isip n’ya sa kaka-imagine dahil sa wakas ay maaabot na n’ya ang lahat ng mga pangarap n’ya.

Hindi na s’ya makapaghintay na mabili yung first car n’ya at syempre gusto n’ya din makatulong na maiahon sa hirap ang pamilya n’ya.

Kinabukasan nag-withdraw kaagad s’ya sa banko para makasali at makapag-pay in. Walang natirang pera sa banko ni Mark dahil kinuha n’ya lahat ng ipon n’ya dahil mas OK daw ang mag 7 Heads.

Pagkasali n’ya, nag-imbita kaagad s’ya ng mga kakilala n’ya. Super excited s’ya dahil ang sabi sa kanya ng upline n’ya ay kahit sino ay siguradong magugustuhan ang opportunity na inaalok nila.

Kaso ang problema, nuong nandyan na yung mga inimbita ni Mark, hindi pala sila basta-basta lang sasali. Ang dami nilang mga naging tanong. Medyo nagdududa pa yung karamihan. “Kumita ka na ba d‟yan?” “Hindi ba scam „to?” ang ilan sa madalas na maitanong sa kanya.

Nagkanda utal-utal na si Mark. Hindi n’ya alam ang sasabihin nya. Hindi n’ya na-handle ng maayos ang mga tanong ng mga prospects nya.

At ang nangyari hindi sumali yung mga kaibigan at kakilala n’ya.

Medyo nalungkot si Mark pero hindi s’ya sumuko, madami pa s’yang ibang mga kakilala. Mga kapitbahay, ka-office mate, ka-facebook, ka-twitter, mga pinsan, dating teacher, pati yung mga class mates n’ya nuong high school at nuong elementary bigla n’ya ding naalala.

Kaliwat kanan at walang hinto sa pag-invite si Mark.

Pero sa kasamaang palad, wala padin sumali sa kanya. Karamihan sa kanila ay negative, yung iba walang pera at karamihan ang sabi pag-iisipan daw nila muna.

Low bat si Mark. Kinausap n'ya si Upline para humingi ng advice.

"Upline walang sumali sa mga kakilala ko. Bad trip! Anong gagawin ko?"

“Ok lang yan partner, (sabay tapik at himas sa balikat). Mas madami yung hindi mo kakilala. Tuluy- tuloy lang. Matira mayaman dito. Halika sumama ka sa'kin mamimigay tayo ng flyers at mamumusakal tayo sa labas.”

3 Months ang lumipas, ganun pa din. Wala pa din s‟yang mapasali. Karamihan ng mga nabibigyan nya ng flyers at karamihan ng napupusakal n‟ya ay skeptics. Madaming mga tanong at hindi n‟ya alam yung mga sasabihin nya.

Ang tanging closing line na alam ni Mark ay… "Payaman tayo dito", "Jo-join ka ba or sasali?", “Maganda o magandang-maganda?”

Yung karamihan naman ay walang oras o kaya naman ay walang mga pera.

Kinausap ulit ni Mark si Upline n‟ya para humingi ng advice.

"Upline wala pa ding sumali sa'kin. Bakit kaya? Parang nakakawala na ng gana."

"Ok lang yan partner! Ano ka ba? Tuloytuloy lang. Matira mayaman dito! Halika sumama ka sa'kin, attend tayo ng training."

Goal setting, positive mindset, dream building, team building, motivational training, bonding.

Hooooooohhh!!! Power! Na Power na naman si Mark. This time determinadong-determinado na s‟ya na magkakaresulta.

Napaisip si Mark ang sabi nya sa sarili nya, mukang kaylangan kong mag “full time” para talagang matutukan ko „tong business na „to at para mas madami akong ma-invite. Magkakaresulta na 'ko nun tiyak.

Nagdesisyong mag-resign sa trabaho si Mark kahit wala pa s‟yang masyadong kinikita para daw mas makapag focus s'ya sa busiess n'ya.

Pero dahil wala na s‟yang ibang source ng income, mas lalong lumaki yung ginagastos n‟ya kumpara sa kinikita n‟ya. Unti-unti din s‟yang nagkautang-utang.

Paglipas ng ilang buwan, nagising si Mark sa katotohanan na hindi pala ganun ka simple ang pag-build ng isang network marketing business.

Na burn out si Mark. Huminto s'ya. Wala s‟yang choice at nag-apply nalang ulit sya ng panibagong trabaho. Bumalik s‟ya sa pagiging empleyado. Sa rat race.


Read the next issue as a follow up to this post .. or Click Here ..

source: Sponsor  More Downlines

No comments:

Post a Comment