B2B Wise

Sunday, November 20, 2016

I'm Like You



Tandang tanda ko pa noong nagsisimula pa lang ako sa networking. Halos araw-araw ako bumabyahe mula Bulacan papuntang EDSA para pumunta sa office ng company namin. 

Araw-araw akong umaakyat ng over pass, lakad dito lakad doon, tagaktak ang pawis papunta't pauwi. Minsan mauulanan ka pa.

Pero ang isa sa nakakatawa ay noong nagsisimula pa lang ako ay napakamahiyain ko. Promise! Medyo kumapal-kapal na lang ang muka ko ngayon eh. :) 

Dati hindi talaga 'ko sanay makipag-usap sa mga hindi ko kakilala. Hindi kita kakausapin hangga‟t hindi mo 'ko kinakausap. Wala kasi akong confidence sa sarili ko noon. 

Kung pagsasalitain mo ko sa harapan ng madaming tao, sigurado pagpapawisan ako ng malamig at magkakanda bulol-bulol ako. 

Wala din akong kahit anong background sa kahit anong business. Ang alam ko lang gawin ay tumugtog ng electric bass guitar. 

Kaya talagang nahirapan ako sa network marketing business ko.
Ilang buwan din akong invite ng invite. Halos lahat ng mga kakilala ko na-invite ko na. 

Naranasan ko din mag-present sa bus (medyo kumakapal na ang muka ko ng mga panahon na „to), sa food court ng mga malls, sa mga coffee shops, sa mga fast food, etc. 

Kahit sa mga inaatenan kong mga birthdays, sa mga inuman, sa mga reunions, ay business pa din ang bukang bibig ko. 

Kahit saan ako mag-punta bitbit ko yung mga papel, ballpen at mahiwagang clear book ko. 

Pero hirap na hirap pa din talaga akong makapag-pasali sa business ko. Paulit-ulit na rejections ang nakukuha ko sa mga prospects ko, kahit sinunod ko na naman lahat ng mga itinuro at ipinagawa sa'kin ng mga uplines ko. 

Mamigay daw ng flyers, namigay ako! 

Kumausap ng hindi kakilala at mamusakal, ginawa ko! 

Table talk, Game ako! 

Mag-house party, Go ako! 

Lahat! 

Todo na 'ko sa kakahataw, wala na nga akong oras para sa pamilya ko. Madalas na din kaming magtalo ni misis dahil madalas ginagabi na „ko ng uwi. 

Ang problema wala naman akong kinikita. 

At ang pinaka bad trip... ang laki ng perang nalugi sa'min dahil sa mga nagastos ko. 

Pinang-multiple heads, 

pinamasahe papunta sa office araw-araw, 

pinang-libre sa mga invites, 

pinang-gastos sa mga BOMs sa Chowking, 

Gastos sa mga home meetings, 

etc… etc. 

Mahigit P80,000 yung nalugi sa'kin. 

Halos ma-bankrupt kami dahil sa MLM Business ko. 

Nabutas talaga yung bulsa ko. 

Yung ilan sa mga kaibigan at kamaganak ko, sinasabihan na 'ko na tigilan ko na daw ang kalokohan ko at maghanap na lang daw ako ng matinong trabaho. Nag-aaksaya lang daw ako ng pera, pagod at oras ko. 

Nakaka-low bat at nakaka-frustrate talaga noong mga panahon na yun. 

Pero hindi ko na lang pinakinggan yung mga nagne-negative sa paligid ko. Pinagpatuloy ko pa din yung ginagawa ko. Gusto kong patunayan sa kanilang lahat na kaya kong magkaresulta at maging successful sa business ko. 

Dahil kung kagaya mo 'ko, hindi ko pinangarap na habang buhay maging empleyado na nagtatrabaho para sa ibang tao. 

Ayokong maging sunud-sunuran sa isang masungit na boss at magtiis sa napakaliit na minimum wage. 

At mas lalong ayaw ko ng bumalik sa pagiging OFW at iwanan lang ang pamilya ko para magsilbi sa ibang mga lahi. 

Kaya ang ginawa ko, pinilit kong humanap ng mga solusyon sa mga problema ko. 


source:  Eduard SMD








No comments:

Post a Comment