B2B Wise

Saturday, November 19, 2016

COMMON PROBLEMS OF NETWORK MARKETERS




97% (or more) ng mga networkers ay nauuwi sa katulad ng sinapit ni Mark.

Hirap o hindi makapag-sponsor kahit todo na ang kanilang effort.

Walang makuhang resulta kahit todo na ang hataw.

Mas malaki pa yung mga ginagastos kumpara sa kinikita.

Minsan imbes na kumita ay nauuwi pa sa pagkakautang.

Karamihan ay nagku-quit kaagad at bumabalik na lang sa rat race.

Dalawang problema ang nakikita ko kung bakit madalas na nangyayari ang mga problemang ito.

Una, karamihan ay hindi natuturuan ng mga skills na kaylangan para maging effective sa business na nila.

Ang isang magandang advantage ng network marketing business model ay pwede kang magsimula kahit wala kang kahit anong background at skills sa pagbi-business.

Pero ito din ay isang disadvantage… ang pwede kang magsimula kahit wala kang kahit anong background at skills sa pagbi-business.

Kaso ang problema, porket hindi kaylangan ng kahit anong skills o background, karamihan ay hindi na naglalaan ng oras at effort para mag-aral ng mga skills.

At kapag nag-build ka ng business na hindi ka nag-aaral ng mga necessary skills, ay para kang nagtatayo ng bahay na walang solid na foundation. Hindi ito tatayo ng matagal at maaari itong gumuho.

Pangalawang problema, madaming networkers ay may maling expectations sa pinasok nilang negosyo.

Karamihan ng mga networkers naniwala (or pinaniwala) na ang kaylangan lang nilang gawin ay mag-imbita ng dalawang kaibigan para makapag build ng isang malaking network marketing organization na nag po-produce ng millions of sales per month.

Hindi mo sila masisisi dahil sa halos lahat ng mga seminars at presentations, ang mga madidinig mo ay parang ganito "Mag-invite ka lang ng dalawang kakilala mo at kahit huminto ka na, after 1 year milyun-milyon na ang kikitain mo" (Remember the worst case scenario or yung power of two?).

Natatawa 'ko every time na madidinig ko „tong linya na „to mula sa ibang mga networkers (dalawa lang ang kailangan mo). Parang gusto kong tanungin kung wala ba s‟yang dalawang kaibigan kaya ngayon ay namumusakal s‟ya ng kung sino-sino, at mga hindi n‟ya kaibigan yung iniimbita nya?

I'm sure by now na-realize mo na, na hindi totoo iyon. Dahil hindi mo babasahin ang ebook na 'to kung talagang dalawa lang ang kaylangan mo. Dahil kung totoo man yun, nakahiga ka na dapat ngayon sa beach para mag-relax at mag-bakasyon.

Simula ngayon gumising tayo sa katotohanan. Network Marketing is not hard but it's NOT Easy. You need to learn the right skills and the effective strategies to build your business.

At lalong hindi lang dalawa ang kaylangan mo. Hindi lang din lima, o hindi lang sampu at hindi lang singkwenta ang kaylangan mong ma-sponsor. You need to Sponsor MORE kung talagang gusto mong mag-build ng malaking network marketing organization!

Kaylangan mong mag-aral ng mga skills dahil yung mga skills at strategies na matututunan mo ay ang magiging pundasyon mo sa pag-build ng business mo. Yun ang mga tutulong sa‟yo para makapag-sponsor ng madaming downlines at ng tuloy- tuloy.

At ang maganda, kapag may mga skills ka na, magagawa mong makapag-build ng network marketing business kahit kaylan at kahit saan mo gusto. Oo kahit anong company pa. Dahil hindi na mawawala yung mga skills na yun sa'yo.

Isipin mo na lang na parang pag-aaral lang yan ng pagsakay sa bisikleta. Sa una syempre hindi mo pa alam kung paano, kaya kaylangan mong aralin. Pero pagnatutunan mo na kung paano sumakay at mag-paandar bike, habang buhay ka ng marunong mag-bike.

Kahit anong bike pa ang sakyan mo at kahit baku-bako pa ang dadaanan mo, wala kang magiging problema. Makakaandar ka ng tuloy-tuloy at makakapunta ka sa gusto mong puntahan.


source: Sponsor More Downlines

No comments:

Post a Comment