B2B Wise

Saturday, November 19, 2016

7 Biggest Lies na HINDI sinasabi sayo ng Upline mo!



Bago ka sumali sa Networking o MLM, alamin mo muna ang 7 Biggest Lies sa Industriyang Ito

Ang katotohanan, ang industriya ng Network Marketing ay pangit sa paningin ng nakakaraming tao. Ito ang isa sa pinakamalaking hadlang kaya hindi nagiging successful ang isang network marketer.

Maraming mga network marketers ang natuturuan ng maling sistema para lamang makapagbenta at makapagrecruit/sponsor ng mga tao.

Marami mga tao ang gumagawa ng deceptive tactics na nakakapanloko ng maraming tao na nagiging dahilan kung bakit marami ang umaayaw at galit sa network marketing.

Dahil din dito, karamihan sa Networkers ay hindi tumatagal sa industriya. Ayon sa statistics, an average of 75% of network marketers quit on the first 3 months of joining and upto 92% quit after 6 months.

Sila ay nag-Quit dahil sa pinapaniwalaan nila ang 7 Biggest Lies sa Industriya ng Networking, na dapat mo munang malaman bago ka magsimula sa ganitong negosyo.

Sa loob lamang ng 10 minuto, sasabihin ko sa’yo ang nadiskubre kong pitong (7) mga kasinungalingan sa industriya ng MLM na dapa malaman bago sumali sa ganitong industriya.

Ito rin ang ang nagiging dahilan kaya karamihan ng networkers ay nahihirapan kumita.

Ito ang mga kasinungalingan na nagpipigil sa kanilang kumita sa negosyo na dapat na makakapagbigay sa kanila ng pagaasang yumaman.

The First Biggest Lie
"Do not re-invent the wheel."
Ito ay madalas mong maririnig kapag sumali ka sa networking. May sistema na raw at bakit pa kailangan mag re-invent ng wheel o magimbento ng iba pang paraan.

Ito ang problema sa networking ngayon. Karamihan ng kanilang mga paraan ay lumang tugtugin na. Ang iba ay gumagawa pa ng mga deceptive tactics tulad ng pangingidinap, panlilinlang, pambobola atbp.
“Friend, gusto mo ng negosyo?”
“Friend, gusto mo ng extra income?”
“Punta kayo sa bahay Friend, may bago kaming business opportunity.”
“May kilala ka ba Friend na gustong kumita ng extra income, part-time lang pero full-time ang kita?” 
Maaring ito ay nag-work para sa mga tao noong 5 to 10 years ago pero hindi na ngayon.

Maaring nagwo-Work pa ito paminsan-minsan pero sa sobrang gasgas na, ang sagot agad ng mga tao ay “Alam ko na ‘yan!”

Hindi ka pa nakakapagpresent ng iyong negosyo sa kanila, rejected ka na agad!

Masakit hindi ba? Napakaganda ng layunin mong makatulong sa kaibigan mo pero dahil sa pangit na imahe ng Networking, rejected ka na agad.

Ang mas masaklap pa diyan, ito ay mga linya rin ng mga sangkot sa illegal pyramiding!

Para sa mga hindi nakakaalam, ang pyramiding at MLM o Networking ay mayroong malaki ang pagkakaiba. 

(Sa pyramiding, walang produkto, minsan hindi pa rehistrado sa government agencies at walang paraan para mabawi ang puhunan ang taong huling sumali kung sakaling magsarado ang kumpanya kasi walang produkto.)

At kapag nagpatuloy-tuloy ka pa sa ganitong sistema, baka wala pang 3 buwan ay mag-quit ka na din sa Networking sa takot na mapagkamalan na kasangkot ka sa mga illegal pyramid schemes.

Dahil hindi na epektib ang ganitong paraan ng networking, kailangan na magre-invent ng wheel o gumawa ng bago at professional na paraan.

The Second Biggest Lie
"Huwag mong pansinin ang mga rejections, SW3 lang."
Para sa hindi nakakaalam ng SW3, ang ibig-sabihin nito ay: “Some Will, Some Won’t, So What?” 

Kapag nareject, move on na lang daw sa susunod na tao o prospect.

Kahit sabihin na natin na medyo may katotohanan itong sinasabi nilang SW3. Importante rin bilang isang entrepreneur ang makaranas ng maraming rejections para matuto tayo. Subalit, hanggang kailan mo kailangang maranasan ang rejections?

Papaano kung na-Reject ka na ng lahat ng taong kakilala mo at kaibigan mo?

Mamumusakal ka na lang ulit sa kalsada at sa mga malls? Mamimigay ka na lang ng flyers sa mga taong hindi mo kilala.

Pagtatawanan ka pa ng mga naimbitahan mong mga katrabaho na hindi sumali sa’yo dahil sila nasa aircon. Ikaw naman nasa ilalim ng initan at lumalanghap ng usok ng mga sasakyan habang namimigay ng flyers.

Hindi professional tingnan ang pamumusakal kaya pangit ang tingin ng karamihan ng tao sa networking.

Iisipin na agad ng mga taong mabibigyan mo ng flyers na gagawin rin nila ang pamumusakal kapag sumali sila sa’yo sa Networking business mo.

Hanggang kailan mo kayang bumilad sa araw para mamigay ng flyers? Dadating ang panahon na titigil ka na rin at mag-quit sa pinasok mong networking business.

Kasi hindi ito ang tamang paraan ng Networking!

May paraan para magawa ang networking ng tama para hindi kailangan mapahiya sa mga rejections at mamusakal sa kalsada.

The Third Biggest Lie
"Malay mo, yung susunod na iimbitahin mo na ang Agilang hinihintay mo."
Tingin ko sinasabi lang talaga ng mga uplines / sponsors yan para mabigyan ka ng konting pag-asa para hindi ka mag-quit.

Parang isang taya na lang sa lotto, malay mo yung susunod na taya mo ang tatama at magpapanalo sa’yo ng milyon.

Ang networking ay hindi nakabase sa “Game Of Chance.” Hindi ito laro o biro na maghihintay ka na lang na ibigay ng tadhana at isubo sa’yo ang pangarap mo sa networking.

Sabihin na nating may konting katotohanan din ito na maaring yung susunod mong taong mapapasali o mare-Recruit ay mayroong malaking network o maraming connections sa mga tao sa buong mundo.

Ang tanong, saan mo hahanapin ang ganung tao? Manghuhula ka na lang ba na baka itong susunod na tao na ang hinahanap ko na agila?

Hanggang ilang tao ang iimbitahin mo bago mo mahanap ang Agila mo? Hindi kaya mapapagod ka at mauubos muna ang oras mo bago mo mahanap?

Bakit hindi na lang ikaw ang maging Agila at bakit maghahanap ka pa ng iba?

Bakit hindi mo gawing Agila ang mga magiging downlines mo para marami kayong nagtutulangan para matupad ang pangarap ninyo?

The Fourth Biggest Lie
"Dapat ang oras mo ay nilalaan mo sa pagpo-Prospect at pagiimbita."
Dapat daw pupunta ka sa mga malls at makikipag-usap sa mga iba’t-ibang taong hindi ko kakilala at mamimigay ng mga flyers o business cards.

Sa totoo lang, ito ay aksaya lamang ng oras. Walang taong may panahon araw-araw para pumunta sa mall at mamigay ng flyers.

Hindi ito tulad ng ibang trabaho na may sweldo ang pamimigay ng flyers. Sa Networking, hindi bayad ang oras na ginagamit mo sa mga ganung bagay kaya kailangan mong maging smart sa oras na ginagamit mo.

Kung ikaw ay isang professional na tao, maaring isa kang Engineer,

Nurse, Accountant o tulad ko, isang doktor, nakakahiya para sa atin ang mamigay ng flyers sa kalsada kahit sabihin na natin ito ay ginagawa natin para sa ating pangarap.

Kung alam mo naman na may paraang pang-professional para gawin ng tama ang networking, gagawin mo pa ba ang pamimigay ng flyers at pamumusakal?

Mamaya ituturo ko sa’yo kung ano ang mas professional na paraan para gawin ang networking.

The Fifth Biggest Lie
"Ang pagsoSponsor ang tanging paraan lamang para ikaw ay kumita ng malaki sa networking."
Tama naman na importanteng bagay ang magSponsor sa networking kasi mas mataas ang pag-asa niyong kumita ng malaki kasi mas madami na kayong magtutulungan sa negosyo.

Kung ikaw ay sasali sa isang kumpanya na ang bawat benta ng wholesale package ay katumabas ng pagkakaroon ng bagong miyembro, nasa pagSponsor nga talaga ang malaki ang kita.

Pero hindi ito ang tanging paraan para kumita ng malaki.

Para kasing sinasabi na para maging successful ang Jollibee, kailangan niyang makapagpasali rin ng mga ibang taong magtatayo ng maraming Jollibee branches. Hindi!

Kailangan lang niya makabenta ng kanyang mga produkto sa maraming tao.

Malaking tulong rin para kumita kung maraming mga branches ang Jollibee na nagbebenta ng kanilang produkto sa iba’t ibang parte ng mundo.

The Sixth Biggest Lie
"Hindi naman kailangang magbayad ng Tax."
Believe it or not, ito ay narinig ko na sa ibang mga network marketers. Maraming mga networkers ang kumikita sa kanilang negosyo subalit hindi sila nagbabayad ng tax.

Ang nagiging excuse nila “hindi naman kailangang magbayad ng Tax.” Maaring hindi sila marunong magbayd ng kanilang tax o hindi talaga nagbabayad ng tax. Siguraduhing alam mo ito bago ka sumali sa isang MLM company

May ilang taxes ang kailangang bayaran ang isang MLM Company. Ito ay dalawa sa marami na dapat malaman ng isang network marketer bago sumali sa isang MLM Company.

Unang-una, kailangan magbayad ang MLM Company ng sariling taxes na kinikita sa loob ng kanilang kumpanya.

Pangalawa, ang taxes na binabawas nila sa bawat kinikita ng miyembro o distributor ng kanilang kumpanya.

Ang katotohanan, hindi lahat ng distributor ay may TIN o Tax Identification Number para makapagDeklara ng tamang buwis para sa kinikita nilang commission sa Network Marketing.

Para malaman mo kung ang iyong kumpanya ay nagbabayad ng Tax na binabawas sa iyong commission, maari kang kumuha ng Withholding Tax Form sa kadabuwan ng iyong kita sa kumpanya.

Kung gusto natin mabago ang paningin ng tao sa Networking, kailangan na ang sasalihan nating kumpanya at mga miyembro nito ay nagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno.

The Seventh Biggest Lie of All
"Lahat Tayo Ay Yayaman Dito."
Isa ito sa mga madalas mong madidinig kapag sumali ka sa Networking Marketing. Minsan, hindi ka pa man nakakasali, maririnig mo na agad ‘yan sa unang seminar pa lang.

Madali para sa isang baguhan ang maniwala dito lalo na kung magaling ang speaker o presenter.

Habang tumatagal, matutunan mo sa networking ay IMPOSIBLENG lahat ay yumaman dito dahil magkakaiba ang mindset at attitude ng bawat tao.

Kung halimbawa na ang pagyaman para sa’yo ay pagabot ng unang milyon mo. Para kumita ng 1 milyon sa Networking, kinakailangan mo ng isa sa mga sumusunod.
  1. Magkaroon ka ng maraming downlines 
  2. Magkaroon ka ng maraming accounts sa kumpanya 
  3. Maging sobrang galing sa pagbebenta ng hiwahiwalay na produkto 
Kung halimbawa ikaw ay kumita na ng 1 milyon sa pamamigitan ng Number 1. Paano naman ang mga downlines mo? Dapat sila din mismo ay may maraming downlines para kumita rin sila ng 1 milyon.

Hindi lahat ng tao ay may tamang attitude at mindset para makakuha ng maraming downlines sa Networking.

Kung halimbawa ikaw ay kumita na ng 1 milyon sa pamamigitan ng Number 2. Magkano ang ilalabas mong puhunan para bumili ng maraming accounts sa kumpanya?

Maaring kailangan mong maglalabas ng mahigit pa sa 1 milyon para kumita rin ng 1 milyon.

Hindi lahat ng sumasali sa Networking ay may capital na mahigit sa 1 milyon.

Kung ikaw naman ay kumita sa pamamagitan ng Number 3. Gaano karaming produkto ang kinakailangan mong naibenta para kumita ka ng 1 milyon?

Halimbawa:

Product A: SRP P500 
Discount: 30% 
Net Income: P500 x 30% = P150 

Ilang piraso ang kailangan maibenta para kumita ng 1 milyon?

P1,000,000 / P150 = 6,667 piraso ng Product A 

Kailangan mong makabenta ng 6,667 na piraso ng Product A para kumita ng 1 milyon! Kaya mo ba bilang isang Networker ang makabenta ng 6,667 na piraso ng kanilang produkto?

Posible kung ikaw ay isang magaling na salesman o kaya naman may magandang sistema sa internet na automated.

Ang mas makakatotohanan na sabihin ay:
“Posibleng yumaman ang maraming tao dito.”
“Lahat ng tao ay may pag-asang kumita ng malaki at makatulong sa maraming tao sa Networking.”

Anu-ano ba ang kailangan para maging successful sa Networking?

Proper mindset and attitude 
Marketing Strategy / System to distribute the products 

“Coach, common sense naman lahat ng nabanggit mo.”

Alam ko na common sense na kailangan mo ng lahat ng ito para kumita at maging successful sa Networking subalit hindi ito common practice.

Marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi sumusunod dito.

PROPER MINDSET

Para malaman mo kung nasa tamang mindset ka, kailangan mong masagot ang tanong, “Bakit ba ako sasali sa Networking?”

Kailangan mong malaman ang dahilan mo kung bakit ka sasali sa ganitong industriya.

Hindi sapat ang dahilan na gusto mo lang kumita ng pera. Mababaw pa yun. Bakit mo kailangan kumita ng pera?

Ginagawa mo ba ito para sa iyong pamilya?

Kung isa kang magulang:
  • Gusto mo bang mabigyan ng magandang bahay at kinabukasan ang iyong asawa at anak? 
  • Gusto mo bang makaipon ng pera para sa college ng iyong mga anak? 
  • Gusto mo bang makaipon ng Emergency Fund kung sakaling may magkasakit sa iyong pamilya, may pampagamot kayo? 
Kung isa kang OFW:
  • Gusto mo na bang umuwi ng Pilipinas kasi ilang taon mo ng hindi nakakasama ang iyong mga anak? 
  • Ilang birthdays at graduation ba ang hindi mo napuntahan para lamang kumita ng pera sa ibang bansa? 
Kung isa kang empleyado:
  • Sawa ka na ba pumasok sa trabaho mo? Sa tuwing sahod, wala ng natitira sa payslip mo. Naubos na sa pamasahe, renta, kuryente, at tubig ang sahod mo. 
  • Pagod ka na bang magtrabaho sa isang kumpanya na ang mga boss mo lamang ang mga yumayaman? 
Kung isa kang negosyante:
  • Pagod ka na bang magbantay sa iyong negosyo at magbayad ng buwan-buwan na mga maintenance expenses tulad ng bayad sa empleyado, renta, kuryente at iba pa? 
  • Gusto mo na ng negosyong mababa ang overhead expenses para mababa ang risk na malugi ang negosyo? 
  • Gusto mo na ba ng negosyo na pang-international na makakatulong sa maraming tao sa iba’t ibang parte ng mundo? 
PROPER ATTITUDE

Hindi lahat ng tao ay may proper attitude. Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi lahat ay nagiging successful sa Networking.

“Alam ko na iyan, hindi ko na kailangan umattend ng mga training.”

Hindi lahat ng tao ay willing matuto ng mga bago at tamang paraan para maging successful.

“Hindi naman nagwo-Work itong ginagawa ko, magQuit na lang ako.”

Karamihan ng tao ay gusto na agad magQuit para hindi mahirapan.

Sa totoo lang, ang pagiging isang Networker ay mahirap pero napakarewarding.

Kailangan willing ka din mag-Adjust kung sakaling ang iyong ginagawa ay hindi na epektib.

Kailangan uhaw na uhaw kang matuto at sabik na sabik gamitin ang iyong mga natutunan.

Sa ituturo ko sa note na ito, maraming mga bagay ang magagamit ng mga BAGONG NETWORKERS at magagamit din ito ng mga MATAGAL NA sa industriya subalit HINDI pa rin hanggang ngayon nagkakaroon ng resulta.

"It is TIME to STOP Chasing Prospects"

I am sure many of you have been taught this kind of strategy. List down at least 200 people that you know and call and invite them to a business presentation one by one until you have no more people on that list.

Many of us have been disappointed with this type of strategy. You are lucky if you were able to invite at least 20 from that list and even luckier if you were able to sponsor 5 people.

Just imagine, out of the 200 people on your list, you were only able to sponsor 5 of them. And out of that 5 persons, there's probably just 2 who are going to take the business seriously.

Paano naman ang mga taong hindi sumali sa iyong negosyo? Mayroong 195 na tao pa na hindi sumali at sayang naman sila kung pababayaan mo na lamang.

Ano nga ba ang turo sa atin sa mga hindi pa sumasali?

Kontakin ulit ang mga taong ito kada isang buwan, tatlong buwan o anim na buwan, o taon-taon hanggang sa mapilit natin sila sumali o ‘di kaya nama’y makulitan na sa atin at hindi ka na nila kausapin at papansinin.

Ganyan ang nangyari sa akin. Lumayo ang aking mga kamag-anak at kaibigan kasi sa tuwing magkakausap kami, akala nila ay pipilitin ko na naman sila sumali sa aking networking business.

Hanggang sa nalaman ko na ang mga tao na hinahabol ay tumatakbo. Kapag lalo mo silang kinulit na sumali sa ‘yong negosyo, lalo ka nilang tatakbuhan at tataguan.

People don't like to be forced into joining a business. That’s why you need to stop chasing your prospects.

What do you need to do to sponsor someone without chasing them?

According to one of my mentors, you can easily sponsor people if the idea of joining is theirs. You can actually have people ask to join you instead of you chasing them.

This was a big change of mindset from me. Is this even possible? How can I do this?

Have you ever wondered why celebrities have fans club? What do you think made these people become fans?

The reason is that we gain a portion of that celebrities’ power or popularity by by association. Pakiramdam natin tayo ay feeling sikat na rin dahil kasama natin sila. Ipagmamalaki pa natin sa ating mga kakilala na tayo ay may picture kasama ang celebrity na parang feeling close na kayo.

Sa negosyong network marketing, tatandaan natin na ang tao ay sumasali sa ‘yo hindi sa iyong negosyo. People do not join your business, they join you.

Siyempre naman nakakatulong din na may magandang kompanya, produkto at compensation plan ang iyong nasalihang networking business. Subalit hindi ito ang pinakaimportante.

Naturally, the fans are attracted to celebrities because celebrities are persons-of-value (POV).

Ang Totoo, ang Traditional MLM Strategies ay Patay na! Pinatay ito ng INTERNET!

Panahon na ng internet.

Kailan ka huling nagpadala ng pisikal na sulat (letter) sa iyong kamag-anak sa probinsya o sa ibang bansa? Marahil ikaw ay nagpapadala na lang ng electronic letter sa pamamagitan ng computer.

Ano ang kadalasang ginagawa ng mga tao na ngayon lalo na sa Pilipinas? 

Halos 10 oras kada-araw ay nasa Facebook! Kahit nasa trabaho, naisisingit pa rin ang Facebook.

Dahil sa internet, makakatipid ka na sa pamasahe, pagod at oras sa iyong networking business.

Bakit mo kailangang bumyahe ng 3-4 hours sa traffic araw-araw sa opisina ng iyong kumpanya at dalhin ang iyong prospect para sa business presentation kung kaya mo naman gawin ito online o sa Facebook?

Paano pa kung may construction ng highway o nasira ang MRT at mahigit 12 hours kang titigil sa traffic? Baka isumpa ka pa ng prospect mo sa pagsama sa kanya sa business presentation.

Kung sa internet na lang kayo sana nagkausap o pinapanuod mo na lamang siya ng isang video recording ng seminar o kaya ng magandang animation ng business presentation, mas natuwa pa siya kasi malalaman niya na ganoon lang kadali gawin ito.

Dahil sa internet, makakatipid ka na sa pamasahe, pagod at oras sa iyong networking business.

Bakit mo kailangan mamusakal sa mga mall, mamigay ng flyers / business cards, kumausap ng mga taong hindi mo kakilala kung pwede mo naman ito gawin sa internet?

Hindi lang yun, maari mo pa itong gawing AUTOMATED para kahit ikaw ay nasa bahay, natutulog o kumakain kasama ang iyong pamilya at kasalukuyang may nagpoprospect na para sa’yo at sumasagot sa mga inquiries.

Dahil sa internet, maabot mo na ang mga tao sa labas ng Pilipinas.

Ang networking business dapat ay isang international business. Marami tayong mga kababayan na OFWs sa ibang bansa na naghahanap ng business opportunity kasi gusto na nilang umuwi ng Pilipinas at makasama ang kanilang pamilya.

Paano mo sila maabot kung ang Networking Business mo ay pang-Pilipinas lang?

Sa tulong ng Internet at ng sistemang ituturo ko mamaya, magagamit niyo na ang internet para maabot ang ating mga kababayang Pilipino sa ibang bansa.

Dahil sa internet, maiiiwasan na natin ang ganitong pangyayari.

“Kumusta na? Kape tayo minsan.”

Malamang marami sa atin ang narinig na ito. Makakatanggap ka biglaan ng text o tawag sa iyong kaibigan na mahigit 1 taon mo ng hindi nakakausap tapos biglaang mangangamusta at imbitahan ka magkape.

Alam mo na agad ang gustong gawin ng kaibigan mo. Baka sumali siya sa isang Networking Company at wala na siyang ibang maimbitahan kundi mga old friends kasi na-Reject na siya ng kanyang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan kaya biglaang magpaparamdam sa’yo.

Ayaw kong mangyari sa’yo ito! Bago ka pa lamang sumali sa MLM o Networking, kailangan mong malaman ang mga ganitong bagay para hindi ka magulat na nilalayuan ka na lang bigla ng iyong mga kamag-anak at kaibigan.

HINDI mo na rin kailangan ng mga deceptive tactics.

Magagawa mo ng matapat with the greatest professionalism ang negosyo kasi hindi mo kailangang manloko ng tao.

Mababago natin ang paningin ng mga tao sa networking. Kahitmmga ibang professionals ay gugustuhin na rin sumali sa network marketing!


Disclaimer: 

The EBook content is GOOD pero di ako favor sa binibenta nyang system if we can make it without buying it. Ang kailangan ko lang naman ay itong mga infong laman ng ebook nya.

CREDIT sa Gumawa ng Ebook as source ko nito. 


No comments:

Post a Comment